Suspek sa pagpatay ng Australian couple sa isang hotel sa Tagaytay, sumuko sa pulisya

Nakita ang suspek sa hotel security cameras na lumalabas sa kwarto ng mga biktima bago madiskubre ang mga labi nito.

A man with sunglasses, a hood and a face mask, covering his face with his hands.

The suspect surrendered on Wednesday. Source: AP / Aaron Favila

Sumuko na ang suspek sa noong nakaraang linggo sa isang popular na resort sa Tagaytay ayon sa awtoridad.

Sinabi ng Philippine National Police na ang lalaki ay dating hotel pool cleaner na nais gumanti matapos tanggalin sa trabaho.

Nauna nang natagpuan ang labi ng mga biktima na nakatali ang kamay at paa sa isang kwarto sa Lake Hotel sa Tagaytay City isang linggo na ang nakakalipas.

Nakilala ang mga biktima na sina David James Fisk, 57, at asawa nito na si Lucita Barquin Cortez, 55, na isang migrante mula Pilipinas bago naging Australian citizen.
A woman and a man holding a koala.
Lucita Barquin Cortez and David James Fisk had flown from Sydney to Bali for a holiday and were taking a short break in the Philippines before returning to Australia. Credit: Supplied
Sa ulat ng Associated Press, sinabi ng hepe ng pulisya sa Tagaytay na si Charles Daven Capagcuan na mas luminaw ang kaso nang tatlong empleyado ng hotel ang nakakilala sa suspek base sa imahe na nakuna ng security camera na bakas ang bahagi ng mukha nito.

Dagdag pa ni Capagcuan na natunton ang suspek sa kanyang probinsya ng Batangas malapit sa Tagaytay kung saan siya nagpasya itong sumuko.
Ipinrisinta ni Tagaytay mayor Abraham Tolentino at Capagcuan ang suspek na nakaposas, may suot na hoodie, eyeglass at face mask sa isang news conference. Hindi naman binanggit ang pangalan nito.

Plano ng mga opisyal na kasuhan ng robbery, na dagdag pa sa pagpatay, matapos aminin na kinuha nito ang relos at sapatos ng mga biktima pagkatapos pagsasaksakin at sakalin hanggang sa mawalan ng hininga ang mga ito, ayon kay Capagcuan.

Share
Published 17 July 2024 4:28pm
Source: AAP


Share this with family and friends