Key Points
- Ang pagbabagong ito ay nakatala sa Migration (Arrangements for Work and Holiday (Subclass 462) Visa Applications) Amendment (The Philippines) Instrument (LIN 24/041) 2024, na nag-aamyenda sa naunang batas (LIN 21/019).
- Ang Work and Holiday visa program ay nag-aalok sa mga may hawak ng pasaporte ng Pilipinas (edad 18-30) ng pagkakataong maranasan ang buhay at kultura ng Australia nang hanggang labingdalawang buwan.
- Hindi pa malinaw kung 200 slots ang available para sa mga Filipino o kasama dito ang Australian na nais naman mag-apply ng work and holiday visa sa Pilipinas bilang reciprocal ang nasabing agreement.
Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino.
Sa episode na ito ng Trabaho, Visa, atbp., ipinaliwanag ng Registered Migration Agent na si PJ Bernardo kung ano ang mga proseso at eligibility sa aplikasyon ng Work and Holiday Visa subclass 462 para sa mga Philippine passport holders.
Registered Migration Agent PJ Bernardo Credit: Registered Migration Agent PJ Bernardo