Key Points
- Pangunahin umanong inaasahan sa Pangulo ang report ukol sa agrikultura na binubuhusan ng malaking pondo, gayundin ang report ukol sa presyo ng pagkain, partikular ng bigas na ipinangako niyang bababa
- Nagsagawa na ng inter-agency coordination conference o meeting ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa Metro Manila, para matiyak ang latag ng kaligtasan sa SONA.
- Hindi dadalo sa SONA si Vice President Sara Duterte sa SONA.
Nagkasundo ang Pilipinas at China na magtatatag ng direct line of communication sa pagitan ng kanilang presidential offices.
Ayon sa Department of Foreign Affairs o DFA, layunin nitong palakasin ang kanilang bilateral maritime communication hinggil sa South China Sea, habang nararanasan ang mga iringan sa teritoryo sa West Philippine Sea.