Magkakasakit ba pag nabasa ng ulan? Sagot ng eksperto

Wet Weather Continues In Sydney

Pedestrians walk across Park St in the Sydney CBD . Credit: Don Arnold/Getty Images

Madalas tayong binabalaan na iwasan ang pagkakabasa sa ulan upang hindi magkasakit. Mayroon ba itong batayan? Isang espesyalistang GP ang nagbahagi ng katotohanan sa likod nito at hatid din niya ang mga praktikal na paraan upang manatiling malusog sa malamig na panahon.


KEY POINTS
  • Ang transisyon sa mas malamig na panahon ay nagtutulak sa mga tao na maglaan ng mas maraming oras sa loob ng bahay, na lumilikha ito ng optimal na mga kondisyon para sa pagkalat ng mga virus.
  • Ayon sa isang eksperto, ang ugnayan sa pagitan ng pag-ulan at sakit ay hindi lamang dulot ng pagkakabasa kundi ito ay nauugnay sa mga pagbabago sa mga kondisyon ng panahon lalo pa’t mas nabubuhay ang mga virus sa mga malamig na kondisyon.
  • Inirerekomenda ang pagpapraktis ng tamang paghugas ng mga kamay, pananatiling updated sa mga bakuna, pagsunod sa respiratory etiquette, pag-iwas sa malapit na pakikisalamuha sa mga taong nagpapakita ng mga sintomas, at pagpapalakas ng resistensya.
Ito ang paliwang ng Specialist GP na si Dr Angelica Logarta-Scott tungkol sa tanong na magkakasakit ba kapag nabasa ng ulan?

"Hindi dahil naulanan ka, its really to do with the weather itself. Kung malamig ang panahon, yung mga maliliit na airborne viruses that are floating around, they stick to the nose easily kung malamig ang panahon. Kapag mainit kasi namamatay ang mga airborne virues dahil moist yung nasal passages mo. Meron tayong defence sa nose na tinatawag na cilia maliliit na hair, they are moist during hot weather so hindi gaano nakakadikit ang virus. But kung naulanan ang tao, humidity is high or medyo malamig, yung mga airborne virus or bacteria they stay in the air longer. Na timing na naulanan, ka nandun yung mga virus, napasok sa nose mo, yung maliliit na hair sa ilong, ang cilia are a bit dry they cannot fight the bacteria or viruses. Hindi lang dahil sa ulan, there’s a little mechanism happening within."

PAKINGGAN ANG PODCAST
HP AUTUMN VIRAL ILLNESS image

Magkakasakit ba pag nabasa ng ulan? Sagot ng eksperto

SBS Filipino

11/04/202411:29
Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong doktor.

Share