Paano i-lodge ang tax return sa Australia

Australia Explained - Tax

From 1 July, if you are a resident for tax purposes, you are required to file a form declaring your earnings in the previous financial year against your tax deductions. Source: Moment RF / Neal Pritchard Photography/Getty Images

Get the SBS Audio app

Other ways to listen

Sa ika-1 ng Hulyo tax time na kaya alamin ang mga obligasyon at mga rebate na maaaring makuha.Ang kaalaman na ito ay makakatulong upang maiwasan ang mga parusang pinansyal at pagkakamali. Alamin kung ano ang dapat gawin kung nakatanggap family support payments, worked from home, first-time mag-lodge ng tax return o nangangailangan ng free independent advice.


Key Points
  • Makatitipid ka ng oras at maiiwasan ang mga pagkakamali sa pamamagitan ng paghihintay sa ATO na mag-pre-fill ng ilang data sa iyong tax return bago ito i-lodge.
  • Ang paggamit ng tax agent sa pag-file ay hindi nangangahulugang mas malaking refund, ngunit makakatulong ito upang masiguro ang tax compliance at gawing mas madali ang proseso.
  • Suriin ang mga rebate at mga opsyon ng suporta na maaaring kwalipikado ka sa pamamagitan ng Tax Clinic o Tax Help program.
Sa panahon ng tax time sa Australia, ang Australian Tax Office (ATO) ang magpapasya sa anumang halagang refund na iyong karapat-dapat na makuha o utang na dapat bayaran. At yan ay batay sa isinumite mong tax return.

Pinaaalalahanan ni ATO Assistant Commissioner Robert Thomson ang mga nagbabayad ng buwis na mayroon silang oras hanggang sa ika-31 ng Oktubre upang maglodge ng kanilang tax return, o maaari namang ipagpaliban ng mas mahaba pa sa itinakdang petsa kung gagawin nila ito sa pamamagitan ng tax agent.

Bagamat maaari kang mag-lodge simula 1 Hulyo, ipinapayo na maghintay hanggang sa katapusan ng buwan upang ang ATO ay awtomatikong mapunan ang ilan sa iyong impormasyon sa pananalapi. Kasama rito ang iyong employment payment summary, kita mula sa interes, at data ng private health insurance.
Australia Explained - Tax
Even for data that is automatically pre-filled in your tax return, it is best practice to crosscheck with your records and confirm it is correct Credit: adamkaz/Getty Images
Ang pre-filled na impormasyon ay kinabibilangan din ng anumang welfare payments na iyong natatanggap mula sa gobyerno, tulad ng Family Tax Benefit o hildcare Subsidy, at ibinabalanse ito ng

Ang mga bagong dating sa Australia ay dapat suriin kung kailangan nilang maghain ng tax return para sa nakaraang financial year.

Kung hindi, kailangan pa rin nilang magsumite ng non-lodgement advice form sa ATO.
Australia Explained - Tax
In Australia, taxpayers are entitled to the tax-free threshold. It means you can earn up to $18,200 each year without paying tax. Credit: jeangill/Getty Images
Ang mga tax deduction ay maaaring i-claim na gastos bilang bahagi ng iyong trabaho.



May tatlong mahalagang bagaya na dapat tandaan sa pag-claim:
  • Kailangang ikaw mismo ang nagbayad para sa gastos at hindi ka na-reimbursed.
  • Ang gastos na iyon ay dapat direktang may kaugnayan sa kinikita mong kita.
  • Kailangan mong magkaroon ng rekord, tulad ng resibo na patunay sa gastos.

Working from home

Kung working from home, gamit ang fixed rate method o actual cost method.

Sa alinmang kaso, kailangan may record ka sa mga oras na naka-work from home sa buong taon.

Sa website ng ATO, maaaring makatulong sa mga tao na maunawaan kung ano ang maaari at hindi maaaring i-claim para sa kanilang partikular na uri ng trabaho at kung anong mga talaan ang kailangn nila.
Australia Explained - Tax
If working from home, you need to keep records to substantiate any claims for tax deductions on expenses incurred. Credit: MoMo Productions/Getty Images

Available support

Ang mga kumikita ng mas mababa sa $60,000 kada taon ay maaaring maging kwalipikado para sa suporta sa paghahain ng kanilang tax return sa pamamagitan ng .

Mayroon ding , itoy isang federally funded program nagbibigay ng libreng payo sa mga kwalipikado sa pakikipagtulungan sa mga rehistradong tax agent. Sa buong bansa, mayroong 15 clinics.

Gumagamit ng tax agent sa pag-lodge

Marami ang mga Australians ang nagpapatulong sa mga tax agent para mag-lodge ng kanilang tax return, sa katunayan ang bansang

Ayon sa isang na pinamunuan ni Prof. Ann Kayis-Kumar, ang paggamit ng tax agent ay hindi tumutulong na lumaki ang tax refund kumpara sa pagldoge ng tax return sa sarili, maliban na lang kung ikaw ay may taunang kita na hindi bababa sa $180,000.
Australia Explained - Tax
If using a tax agent to file your tax return, make sure that you’ve registered with them by 31 October and that they’ve notified the ATO. Credit: Edwin Tan /Getty Images
Dapat suriin din kung legit ang mga tax agent.

Paalala ng mga eksperto mag-ingat sa mga scam lalo't marami ang nagpapanggap na sila ay mula sa ATO.

Ipinahayag ni Robert Thomson ang 60 porsyentong pagtaas sa mga scammer na kumokontak sa mga taxpayers noong 2023 upang makuha ang personal na impormasyon.

Kasama rito ang mga detalye na maaaring magamit ng scammer upang magpanggap na ikaw, tulad ng iyong pangalan, address, myGov ID, Tax File Number, o mga detalye ng credit card.

“Tanuin mo ang sarili mo kung ang mensahe o tawag na natanggap mo ay maaaring peke at huwag kailanman mag-click sa mga hyperlink patungo sa iyong MyGov account. Palaging i-type ang MyGov o ang mga detalye ng ATO sa iyong browser,” babala ni Thomson.

“At kontakin kami kaagad kung sa tingin mo ay may mali o kung napansin mo ang kahina-hinalang aktibidad sa iyong ATO account.”

Australia Explained - Tax
Some Services Australia payments, like those relating to flooding and natural disasters are taxable and you need to add them manually on your tax return. Source: Moment RF / Songsak rohprasit/Getty Images
Useful links 
  • Para sa tax-related topics sa Centrelink payments at ibang serbisyo, makakakuha ka ng impormasyon sa iyong wika o tumawag sa Centrelink multilingual phone service sa 131 202. 
     
  • kung tumatanggap ka ng Family Tax Benefit o Child Care Subsidy sa nakaraang financial year. 
  • Kung nagbayad ka ng buwis sa ibang bansa sa nakaraang financial year, maaari kang makakuha o claim sa Australia ng foreign income tax offset. Suriin kung kwalipikado  
  • ay isang free record-keeping tool sa ATO app 
     
  • Para sa dagdag kaalaman tungkol sa Tax Clinic Program  
  • Kung kumita ka ng $60,000 o mas mababa pa, maaari kang eligible para sa tulong pag-lodge ng iyong tax return sa pamamagitan ng ATO Tax Help program. Pras sa dagdag kaalaman . 
  • Para sa dagdag kaalaman sa tax-related topics sa inyong wika bisitahin ang ATO website  

Share