Bakit mahalaga ang paglalaro sa development ng bata?

Play time

Play is not just a pastime; it's a profound educational tool.

Get the SBS Audio app

Other ways to listen

Ang laro ay hindi lamang isang libangan; ito ay isang kasangkapan tungo sa edukasyon ayon sa isang early childhood educator.


KEY POINTS
  • Dahil sa paglalaro, natututo ang mga bata ng mga skills na tulad ng problem solving, pagiging creative, pagbuo ng mga kulay at hugis, pagbibilang, wika, komunikasyon pati na din concentration at resilience.
  • Sa kasalukuyang panahon, ang paglalaro ay nagkaroon ng bagong kahalagahan. Hinihikayat ni Nicky Pantillano ang mga magulang na bagaman may lugar ang teknolohiya, hindi dapat nito palitan ang malikhaing paglalaro.
  • Ang paglalaro ay tulay tungo sa mabuting pisikal at mental na kalusugan ng mga kabataan at sa pamamgitan nito ay matututo din sila ng mga mahahalagang life skills. Hikayatin din ang mga bulilit na maglaro outdoors at samahan din sila sa paglalaro.
Diin ng early childhood educator na si Nicky Pantillano na ang play o paglalaro ay mahalaga sa development ng mga kabataan.

"We learn we best when we’re having fun. Some of the games kids play are dangerous but some are genius. Kung maglalaro kayo ng jolen (marble) matututo ka ng aim at physics, you learn a lot of things while you play. Yung imagination din because you're interested and you’re having fun ang daming natututunan."

Aniya, lumalabas din ang pagiging malikhain at imahinasyon ng mga bata kapag may pisikal na laro.

"With play doon lumalabas ang imagination at creativity ng bata. More on physical toys and activities and less on gadgets or screen time. I'm not saying get rid of it altogether pero ilimit mo kasi mas madedevelop yung imagination nila kung may hands on at physical play ang bata."

Hikayat din niya sa mga magulang na maglaro outdoors at samahan ang mga bulilit sa paglalaro.

'Usapang Parental' is SBS Filipino's segment on parenting. It features the stories of migrant families, parenting issues, raising kids, and parenting tips and advice from experts.
PAKINGGAN
up play image

Bakit mahalaga ang paglalaro sa development ng bata?

SBS Filipino

18/04/202409:50
The content provided is for informational purposes only and does not intend to substitute professional advice. Consult an expert for support.

Share